Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

Vice Ganda, may payo para sa Araw ng mga Puso

February 14, 2018 7:47 AM
11 0

MANILA -- Nagbigay ng payo si Vice Ganda para sa mga magdi-date ngayong Araw ng Puso.

Sa "It's Showtime" nitong Miyerkoles, ipinaalala ni Vice na importante ang komunikasyon para maging matagumpay ang isang date.

"Marami ang magdi-date ngayon, sana mas mahalaga ang tao kaysa sa telepono," aniya.

"Tapos 'ayan na 'yung food kakain na tayo' wait (magpi-picture muna) 'wait ipo-post ko pa,'" dagdag niya.

Ayon kay Vice, mas maganda rin kung may ES o extra sweetness kapag nakikipag-date.

"Mas masarap ang extra sweetness kaysa sa extra sadness," dagdag na hirit ng komedyante.

Source: news.abs-cbn.com

Share in social networks:

Comments - 0