Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

Vice Ganda, hiling sa kanyang kaarawan ang tuluyang paggaling

April 9, 2018 5:53 AM
12 0

MANILA -- Para sa kanyang kaarawan, hiling ni Vice Ganda ang magandang kalusugan para maipagpatuloy niya ang pagpapasaya ng mga tao.

Hiling din ng 42-anos na komedyante na gumaling na siya ng tuluyan matapos sumailalim sa surgery dahil sa kidney stones.

Pag-amin ni Vice, nahihirapan pa rin siyang gumalaw dahil may tubo pa sa kanyang katawan.

"Kasi kapag nagtatawanan tayo, lalo na sa TNT (Tawag ng Tanghalan), biglang nawawala ang ngiti ko, bumabagsak ang ngiti ko, kasi nararamdaman ko ang tubo ko masakit. ...Kasi may kidney stones ako. Hindi lumabas, pinasukan ng tubo. Sabi ko ayaw ko na, gusto ko nang ipatanggal ito. Sabi ng doctor after two months tingnan natin. Nagpa-ultrasound ako. Excited ako na makuha 'yung result, eh hindi pa okay, kaya hindi pa siya tatanggalin. Bukas mayroon akong CT scan. Ipag-pray niyo ako para okay na ako. Hindi kasi ako makagalaw," aniya.

"Nakalagay sa kontrata ko kailangan daw may production number tuwing birthday. Eh Humoly Week kaya na-adjust, sumbay sa Araw ng Kagitingan," paliwanag ni Vice na ang aktuwal na birthday ay noong Marso 31 pa.

"Kaya ngayon Araw ng Kagitingan, magiting nating tanggapin ang katotohan na may mga bagay na hindi natin makukuha sa buhay. Sa lahat ng mga single, magiting nating tanggapin na tayo ay mag-isa, pero ang buhay ay nanatiling masaya," aniya.

Source: news.abs-cbn.com

Share in social networks:

Comments - 0