Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

Tindahan ng kasangkapan, nasunog sa Batangas

May 18, 2018 12:34 AM
9 0

TANAUAN CITY, Batangas - Tinupok ng apoy ang isang tindahan ng kasangkapan sa Barangay Trapiche dito sa lungsod Huwebes ng gabi.

Inabot ng halos 3 oras bago tuluyang maapula ang apoy dahil kinailangan ng mga bumbero ng lungsod na humingi ng tulong mula sa mga bumbero sa mga karatig-bayan na Talisay, Sto. Tomas, Mataasnakahoy, at Lipa.

Mabilis lumaki ang sunog dahil sa mga foam ng sofa at kama na nakaimbak sa nasunog na tindahan.

Tinatayang aabot sa P2 milyon ang halaga ng mga napinsalang gamit dahil sa sunog.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung saan at paano nagsimula ang sunog.

Source: news.abs-cbn.com

Share in social networks:

Comments - 0