Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

SWS: Halos lahat ng Pinoy puno ng pag-asa sa pagpasok ng 2018

December 30, 2017 10:26 AM
50 0
SWS: Halos lahat ng Pinoy puno ng pag-asa sa pagpasok ng 2018

Sasalubungin ng halos lahat ng mga Pilipino ang 2018 na may pag-asa sa halip na takot, ayon sa isang survey na nagpapakita ng mataas na optimism ng mga Pilipino sa pagsisimula ng Bagong Taon.

Ayon sa Social Weather Stations (SWS), naitala ang record high na "New Year hope" o positibong pananaw sa pagpasok ng Bagong Taon na 96 percent batay sa survey na isinagawa mula Disyembre 8 hanggang 16.

Sinabi pa ng SWS na ang 4 percent ng mga Pilipinong nagpahayag ng takot sa pagpasok ng 2018 ang "lowest pessimism level" na kanilang naitala simula noong 2011.

Mas mataas ang kasalukuyang optimism sa pagpasok ng Bagong Taon kaysa sa naitalang 95 percent noong 2016.

Dagdag pa ng SWS, ang “New Year hope” ay malawakan: pinakamataas sa Balance Luzon sa 97 percent, 96 percent naman sa Metro Manila, 95 percent sa Mindanao, at 95 percent sa Visayas.

Noong nakaraang linggo, naglabas din ang SWS ng survey nito na nagpapakita na 'record high' din ang optimism ng mga Pilipino sa panahon ng kapaskuhan.

Also read: School spirit overflows as UAAP Cheerdance 2018 dominates Twitter

Source: news.abs-cbn.com

Share in social networks:

Comments - 0