Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

Rowena Salvacion, pangungunahan ang bagong public service program sa Super Radyo DZBB

December 3, 2018 8:01 AM
8 0

Ayon kay Rowena Salvacion, magsisilbing tulay ang Serbisyo On The Spot para sa mga ordinaryong Pilipino at mga ahensya ng gobyerno.

Isang bagong hamon ang buong pusong tinanggap ng Rotary Club of Manila (RCM) 2018 Radio Female Broadcaster of the Year na si Rowena Salvacion.

Simula ngayong Lunes, December 3, pangungunahan ni Rowena ang pinakabagong public service program na Serbisyo On The Spot (S.O.S) sa high-rating AM radio station sa Mega Manila na Super Radyo DZBB 594kHz.

Sa tulong ng Serbisyo On The Spot, bibigyan tugon ng programa ang mga problema ng mga Kapuso natin patungkol sa serbisyo ng gobyerno tulad ng pagkuha ng birth certificate, marriage license o SSS.

Puwede rin ninyo ilapit mga Kapuso ang mga reklamo ninyo at mga panawagan sa S.O.S.

Ayon kay Rowena, magsisilbing tulay ang Serbisyo On The Spot para sa mga ordinaryong Pilipino. “Kami ang magiging tulay patungo sa kailangan ninyong makipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno.”

Tutukan araw-araw ang Sebisyo On The Spot kasama si Rowena Salvacion, Monday-Friday, 3-4 P.M. sa Super Radyo DZBB 594kHz.

Source: gmanetwork.com

Share in social networks:

Comments - 0