Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

P800,000 halaga ng shabu nakuha sa 3 suspek sa Caloocan

July 14, 2018 3:53 AM
7 0

MANILA - Aabot sa 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P800,000 ang nasabat mula sa 3 hinihinalang tulak ng droga sa Caloocan City, Sabado.

Nakuha ang ilegal na droga mula sa mga 'di pinangalanang suspek matapos umano nila bentahan ang isang undercover na pulis ng shabu sa halagang P100,000, ayon sa awtoridad.

Inamin ng isa sa mga suspek na dati na siyang gumagamit ng shabu at dati ring nagtutulak nito sa Maynila bago niya inilipat ang kaniyang negosyo sa Caloocan.

Ayon sa suspek, kinukuha niya ang supply ng panindang droga mula sa isang alias "Yvette."

Dagdag ng mga suspek, nakatatanggap umano sila ng P2,000 mula sa supplier sa kada benta ng droga.

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: news.abs-cbn.com

Share in social networks:

Comments - 0