Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

Nash, masayang makatrabaho muli sina Albert Martinez, Eula

September 12, 2017 7:09 AM
8 0

MANILA -- Excited ang tambalan nina Nash Aguas at Alexa Ilacad sa bagong seryeng "The Good Son."

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes, ibinahagi ni Nash na masaya siyang makasama muli sina Albert Martinez at Eula Valdez, halos 10 taon mula noong huli silang magkatrabaho sa seryeng "Maria Flordeluna."

"Parang reunion po," ani Nash na gagampanan ang karakter ni Calvin, isa sa mga anak ng karakter ni Albert.

Ayon kay Nash, maraming aabangan ang mga manonood sa bago nilang serye.

"Kapag nakita niyo parang may pagka-Hollywood, maraming twist and stuff," ani Nash.

Sa serye, gagampanan naman ni Alexa ang karakter ni Justine na malapit na kaibigan ni Calvin (Aguas).

Para sa mga manonood, nagpakilig naman ang dalawa nang awitin ni Alexa ang kanyang single na "Kung Pwede Lang."

Source: news.abs-cbn.com

Share in social networks:

Comments - 0