Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

May depensa si Steph Curry sa banat ni Durant sa kanyang mga sapatos

September 12, 2017 2:30 PM
6 0

Sinagot ni Steph Curry si Kevin Durant tungkol sa komento ni Durant kamakailan na wala raw gustong magsuot ng mga sapatos na ine-endorso ni Curry.

"Nobody wants to play in Under Armours, I'm sorry. Like, the top kids because they all play Nike," ani Durant, isang Nike endorser, sa isang podcast halos dalawang linggo na ang nakakaraan.

Ngayong Lunes, naglabas ng pahayag si Curry para sagutin ang kontrobersyal na opinyon ng kanyang kakampi sa Golden State Warriors.

"When it comes to what I'm trying to do with Under Armour, and what the Curry brand means and what Under Armour basketball means, that statement does not ring true at all," ayon kay Curry sa isang panayam sa The Charlotte Observer.

Iginiit din ni Curry na hindi magiging isyu sa team chemistry ng Warriors ang magkaibang opinyon nila ni Durant pagdating sa sapatos.

"This is nothing that is going to put a wrench in the locker room," mungkahi ni Curry.

Source: news.abs-cbn.com

Share in social networks:

Comments - 0