Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

Matapat na taxi driver, nagsauli ng wallet ng pasahero

April 3, 2018 1:33 AM
12 0
Matapat na taxi driver, nagsauli ng wallet ng pasahero

MANDAUE CITY – Umani ng papuri ang isang taxi driver matapos na magsauli siya ng pitakang naiwan ng kaniyang pasahero.

Nitong Lunes, ibinigay sa pangangalaga ni Roel Medillo, 44-anyos, ang napulot na wallet sa Bantay Mandaue Disaster Risk Reduction and Management Office sa Mandaue City.

Napag-alaman na isang senior citizen na kinilalang si Redemta Lauron ang may-ari ng wallet na naglalaman ng halagang P8,000 at mga ID.

Ayon kay Medillo, sumakay ng taxi sa bayan ng Consolacion ang pasahero at bumaba sa Mandaue City.

Hindi naman umano pumasok sa isip ni Medillo na pag interesan ang naiwang wallet.

May tatlong anak si Medillo at asawa nitong si Marjorie na kanilang itinataguyod mula sa pagmamaneho at pagbebenta ng basahan.

Also read: Sikad driver, itinumba ng riding in tandem sa GenSan

Source: news.abs-cbn.com

Share in social networks:

Comments - 0