WATCH: Steve Dailisan, muling tumapak sa Kapuso Network

October 19, 2018 9:46 AM

17 0

Muling nakasama ng mga Kapuso at Kabarangay listeners ang dating news reporter na si Steve Dailisan nang muli itong bumisita sa GMA Network.

Special guest sa ‘Talk To Papa' nina Papa Obet at Papa Marky ang dating news personality ngayong Biyernes, October 19 at dito ikinuwento niya ang naging desisyon niya na iwan ang career sa GMA News at i-pursue ang passion niya na maging piloto.

Paliwanag ni Steve na hindi madaling iwan ang ‘first love’ niya na ginawa niya sa loob ng 12 taon.

Wika niya, “Kasi ano ‘yun mga ika-12th year ko sa GMA tapos nag-iisip talaga ako even before, nag-iisip ako ito na ba ‘yung career na gusto ko although mahal ko talaga ‘yung pagsusulat.

“Gusto ko talaga ‘yung ginagawa ko, kaso lang parang sabi ko may kulang. Tapos parang may mga bagay na hindi mo talaga puwede palagpasin na hindi mo gagawin. So nung nag-decide ako last year pinaghandaan ko siya, less than a year ‘yung paghahanda.

“Tapos mahilig na kasi ako sa mga air crash investigation documentaries. Nagdo-download talaga ako nun [sa YouTube] tapos pinanonood ko siya. Tapos 'pag sumasakay ng eroplano iba ‘yung feeling masaya."

Panoorin ang kulitan nina Papa Obet at Papa Marky kay Steve Dailisan sa Talk To Papa sa Facebook video below.

Source: gmanetwork.com

To category page

Loading...