Retiradong pulis, binaril umano ng nagseselos na live in partner

July 11, 2018 4:50 AM

11 0

Sugatan ang isang retiradong pulis matapos siyang barilin umano ng kaniyang live in partner dahil sa matinding selos sa Negros Occidental.

Sa Unang Balita nitong Miyerkoles, kinilala ang biktima na si retired Senior Police Office 2 Leonilo Garcia, na naliligo noon sa banyo nang barilin ni Merlita Carredo, 52 anyos.

Tinamaan sa kanang hita si Garcia, pero nagawa niyang makatakas at magsumbong sa pulisya.

Base sa ulat ng mga awtoridad, nagseselos si Carredo dahil sa kaniyang hinala na may kalaguyo ang dating pulis.

Nang puntahan ng mga pulis ang babae, nakita nila itong nakabulagta matapos umanong magbaril sa sarili.

Source: gmanetwork.com

To category page

Loading...