PANOORIN: Xia Vigor, nagpakita ng galing sa gymnastics

April 6, 2018 3:25 AM

9 0

MANILA -- Ipinakita ng batang aktres na si Xia Vigor ang kanyang galing hindi lang sa pag-arte, pati na rin sa gymnastics.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, ipinakita ni Xia ang ilang basic steps ng gymnastics.

Ayon sa ina ni Xia, anim na buwan na nag-gi-gymnastics ang aktres na humakot na rin ng ilang medalya sa mga sinalihang kompetisyon.

"Siyempre kailangan ko munang mag-practice, mag-training kasi lahat po doon ay magagaling. So dapat po ay confident ako at focused lang ako. Kasi po kapag nag-focus, kahit ano ay magagawa," ani Xia.

Kahit may schedule sa trabaho bilang batang artista, dalawa hanggang tatlong beses nagsasanay si Xia sa gymnastics.

Source: news.abs-cbn.com

To category page

Loading...