Nabasag na salamin, bumagsak sa 2 sasakyan

April 14, 2018 8:13 AM

15 0

Nabasag na salamin, bumagsak sa 2 sasakyan

ILOILO CITY – Dalawang sasakyan ang nabagsakan ng nabasag na tempered glass mula sa isang gusali, Sabado ng hapon.

Ayon sa driver ng kotse na si Gabriel Garcia, nagmamaneho siya sa service road ng BS Aquino, Mandurriao at pagtapat sa gusaling pagaari ng isang malaking mall sa lungsod ay bigla na lamang nagsibagsakan ang mga basag-basag na tempered glass sa kaniyang sasakyan.

Minamaneho naman ni Vincent Procia ang kaniyang SUV nang mabagsakan din ng bubog mula sa nabasag na tempered glass.

Paliwanag ng isa sa mga contractor at supplier ng salamin ng naturang gusali, aksidenteng bumangga ang tempered glass habang inaangat sa 19th floor.

Dahil sa lakas ng pagkakahampas, nawasak at nahulog ang ilang piraso nito na siyang tumama sa 2 sasakyan.

Pansamantala munang itinigil ang trabaho sa naturang gusali habang iniimbestigahan ang insidente.

Sasagutin naman ng contractor ang gastusin sa mga nasirang windshield ng 2 sasakyan.

Ilang linggo lamang ang nakalipas ay nabagsakan din ng bakal ang parking boy sa ibaba ng naturang gusali na ikinaputol naman ng isang paa ng biktima.

Source: news.abs-cbn.com

To category page

Loading...