Michael V., bakit tumagal nang 23 taon sa GMA-7?

April 7, 2018 8:59 AM

8 0

Muling nag-renew ng kontrata sa GMA Network si Michael V at sa interview sa 24 Oras, isa sa mga rason sa pananatili niyang Kapuso ay dahil suportado ng network ang mga gusto niyang gawin.

“Twenty three years na ako sa GMA. Mahirap magpasaya kung hindi ka masaya. So masaya ako dito sa GMA dahil magagawa ko ’yung gusto ko, napagbibigyan ’yung mga hiling ko at ’yung kagustuhan kong magpasaya ay suportado nila. ’Yon ’yung ugat talaga, ang pagpapasaya natin,” sabi ni Michael V.

Napapanood si Michael V sa Bubble Gang na magsi-celebrate ng 23rd anniversary this year. Ang Pepito Manaloto naman ay nine years na at nagbabalik ang Lip Sync Battle na 3rd season na.

Guests this Sunday sina Sanya Lopez, Andre Paras at sina Mavy at Cassy, ang twins nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Present sa contract signing ni Michael V sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, GMA president and COO Gilberto Duavit, Jr., GMA executive VP and CFO Felipe S. Yalong, GMA Entertainment Content Group senior VP Lilybeth Rasonable, GMA senior asst. VP for Business Development Department II Janine Piad-Nacar, senior program manager Bang Arespacochaga.

Present din ang program managers na sina Cecille de Guzman, Mildred Natividad at Enri Calaycay at ang misis/manager ni Michael V na si Carol Bunagan.

Also read: Caritas Manila graduates 1,697 scholars this year

Source: journal.com.ph

To category page

Loading...