Mga naarestong tambay sa Maynila aabot na sa halos 50,000

July 14, 2018 6:39 AM

14 0

MANILA - Halos 50,000 na tambay na ang naaresto sa Metro Manila sa loob ng isang buwan, ayon sa datos mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na inilabas Sabado.

Base sa tala, aabot na sa 49,304 ang mga naaresto sa Metro Manila simula Hunyo 13 hanggang Hulyo 13, matapos ipatupad ng pulisya ang mga lokal na ordinansa laban sa pagtambay at iba pang mga paglabag.

Ito'y kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaring pagmulan ng gulo ang mga tambay.

Kalahati ng bilang ay natiklo ng Eastern Police District na sumasaklaw sa mga siyudad ng Pasig, Mandaluyong, Marikina, at San Juan.

May mga inaresto din dahil sa paglabag sa mga ordinansa na nagbabawal sa paglabas ng bahay nang walang suot pang-itaas, at pagsusugal.

Halos 30,000 sa mga naaresto ay binigyan lang ng warning at pinalaya rin, giit ni NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar.

Ang iba naman ay pinagmulta habang ang iba ay kinasuhan sa piskalya lalo ang may mabibigat na kaso tulad ng paggamit ng ilegal na droga o pagdadala ng armas, dagdag ni Eleazar.

Source: news.abs-cbn.com

To category page

Loading...