LOOK: Mama Emma, nalungkot sa pagkamatay ng Kabarangay na humingi ng tulong sa kanila sa 'Talk To Papa'

April 6, 2018 7:42 AM

11 0

Isang malungkot na balita ang natanggap ng magaling na radio DJ na si Mama Emma na isa sa mga dati nilang natulungan sa 'Talk To Papa' ay pumanaw na.

Bago naging 'Three Play' host si DJ Emma ay kasama siya sa afternoon radio program na 'Talk To Papa' kung saan nakasama niya sina Papa Obet at dating Kabarangay na si Papa Kiko.

Sa Instagram post ni Mama Emma, ibinahagi niya ang kuwento patungkol sa dati nilang caller sa Christmas segment na 'Talk To Santa' na si Tita Julie.

Saad niya, “Isa sa kinatuwa namin noong #talktosanta ang pagtawag nya sa amin para maglambing ng bagong wheel chair. Si tita jullie na kahit hirap sa sitwasyon nya ay naka bisita sa amin at nagdala pa ng pasalubong.

"Ngayon nabalitaan namin na pinag pahinga kana ni God. Maraming salamat po sa suporta mo amin. Hanggang sa muli pong pagkikita.. #rip #talktosanta”

Source: gmanetwork.com

To category page

Loading...