Isang lalaki at isang babae na nag-uusap sa gilid ng kalsada, patay sa pamamaril

October 26, 2018 10:38 AM

10 0

Patay ang isang lalaki at isang babae nang basta na lang sila barilin ng salarin habang nag-uusap sa gilid ng kalsada sa Magalang, Pampanga.

Sa ulat ni Darlene Cay sa GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Biyernes, makikita ang lalaking biktima na nakaupo sa kaniyang motorsiklo habang kausap ang babaeng biktima.

Maya-maya lang, biglang lumapit ang salarin na naka-jacket at sombrero at basta na lang binaril ang dalawang biktima sa ulo at katawan.

Sa kalsada bumulagta ang babaeng biktima habang hindi na nakaalis sa kaniyang motorsiklo ang lalaking biktima.

Kaagad na tumakas ang salarin habang naiwan ang dalawang biktima na wala nang buhay.

Source: gmanetwork.com

To category page

Loading...