2 sugatan sa salpukan ng motorsiklo, SUV at taxi sa QC

April 15, 2018 12:15 AM

13 0

MANILA - Sugatan ang dalawang motor rider matapos mabangga ng isang SUV at taxi sa Commonwealth Avenue malapit sa Central Avenue Extension, Quezon City.

Kwento ng taxi driver na si Jorie Montesino, pa-U turn sila sa U-turn slot pa-Fairview nang biglang sumulpot ang SUV at nabangga ang taxi at kasabay nitong motorsiklo.

Sa lakas ng impact, nawasak ang harapang bahagi ng SUV habang nayupi naman ang gilid ng taxi.

Ayon kay Montesino mabilis ang pagpapatakbo ng SUV, pero pinabulaanan ito ng driver ng SUV at sinabing umiwas lang siya sa disgrasya.

Agad na dinala ang mga motor rider sa ospital upang lapatan ng lunas habang iniimbestigahan na ng QC Traffic Sector 5 ang aksidente.

Source: news.abs-cbn.com

To category page

Loading...