Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

Lalaki sa Japan, gumastos ng halos P1M para pakasalan ang isang anime pop star na hologram

November 14, 2018 3:41 PM
85 0

Isang lalaki sa Japan ang gumastos ng halos P1 milyon para sa kasal at maisakatuparan ang kaniyang pangarap na maging asawa ang sikat na anime pop star na si "Hatsune Miku."

Dahil computer-generated hologram Hatsune, sinabi sa ulat ng Reuters na kinailangan ng groom na si Akihiko Kondo na nagpagawa ng doll version ng kaniyang bride para sa kanilang symbolic wedding ceremony.

Inihayag ni Akihiko na magkakaiba ang kaligayahan at pag-ibig ng bawat tao kaya naman masaya siya sa piling ng kaniyang "asawa."

“There definitely is a template for happiness, where a real man and woman get married, have a child and live all together. But I don’t believe such a template can necessarily make everyone happy,” saad niya.

Source: gmanetwork.com

Share in social networks:

Comments - 0