Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

Kontesera ng Negros Occidental, 4 na panalo na sa 'Tawag'

September 13, 2017 9:53 AM
10 0

Isang panalo na lang ang kailangan ni Kyla Faye Pille, isang kontesera mula Negros Occidental, para makapasok sa semifinals ng "Tawag ng Tanghalan."

Nitong Miyerkoles sa "It's Showtime," muli niyang nadepensahan ang kanyang titulo bilang kampeon matapos kantahin ang cover niya ng "Hanggang May Kailanman" ni Carol Banawa.

Nakakuha siya ng iskor na 92.4 percent, mas mataas sa 89.8 percent ng kanyang daily challenger na si Jeremias Lagunsad.

Ito na ang kanyang pang-apat na sunod na panalo. Aniya ni Kyla, pangarap niya maging sikat na mang-aawit para sa kanyang pamilya kaya siya sumali ng "Tawag."

Source: news.abs-cbn.com

Share in social networks:

Comments - 0