Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

Kahit nag-public apology na... ‘Ampon’ joke sa ‘Showtime,’ kinondena ng DSWD!

June 14, 2018 9:15 AM
20 0
Kahit nag-public apology na... ‘Ampon’ joke sa ‘Showtime,’ kinondena ng DSWD!

KINONDENA rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nakaraang ampon joke sa It’s Showtime kahit na nga nag-issue na ng public apology ang programa matapos tumanggap ng kritismo sa ilang sector ng lipunan.

Sa statement na inilabas kahapon ng DSWD Acting Secretary Virginia Orogo, “The department strongly condemns statements, which are offensive, insensitive, and stimulate stigma to adoptees by any individuals, private or public institution and organization.”

Nagmula ang joke sa Girltrends member Erin Ocampo para saPurokatatawanan segment ng noontime show.

Dagdag ni Orogo, “The words ‘ampon ka’ is discriminatory and has negative connotation. Even if the statement was delivered in a manner of joke and/or for entertainment purpose, the show and the network have the full responsibility over it.”

Naglabas na ang programa ng public apology last June. In-acknowledge naman ng DSWD ang apology.

Pero naniniwala si Sec. Arogo na obligasyon din ng network na i-assure ang publiko na hindi na mauulit o magkakaroon ng kaparehong pangyayari in the future.

NAUNSYAMI man ang screening ng pelikulang Buy Bust sa nakaraang Cannes Film Festival, napili naman ang Anne Curtis starrer na magkaroon ng international screening sa coming New York Film Festival simula sa June 29 hanggang July 15.

Kasama ni Anne sa movie ang mixed martial arts superstar na si Brandon Vera. Joint production ito ng Viva Films at Reality Entertainment mula sa direksyon ni Erik Matti.

Bukod sa Buy Bust, mapapanood din sa festival ang Neomanila ni Mikhail Red, Respeto ni Treb Monteras at We Will Not Die Tonight ni Richard Somes pati ang Sid & Aya nina Anne at Dingdong Dantes.

ANG anak ni Janice de Belen na si Inah ang makakasama ni Gabby Concepcion sa Father’s Day episode ng Magpakailanman ngayong Sabado.

Papapelan ni Gabo ang role ng isang amang ililigtas ang anak (Inah) sa kamay ng human traffickers.

Kaabang-abang kung paano magtatagisan sa drama sina Gabby at Inah, na anak ng dati niyang girlfriend na si Janice.

Source: journal.com.ph

Share in social networks:

Comments - 0