Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

Kaanak ng lalaking napatay ng mga pulis, 'di naniniwalang nanlaban ito

July 12, 2017 4:40 PM
9 0
Kaanak ng lalaking napatay ng mga pulis, 'di naniniwalang nanlaban ito

Hustisya ang sigaw ng mga kaanak ng isang naarestong suspek sa pagnanakaw sa Tondo, Maynila, na patay na nang kanilang makita sa ospital. Giit nila, hindi nanlaban ang kanilang kaanak gaya ng sinasabi ng mga pulis. Pero ang MPD Station 7, nanindigan sa nakasaad sa police report.

Sa ulat ni Athena Imperial sa GMA News TV's "QRT," sinabing nasawi si Reden Tibor matapos arestuhin ng mga pulis noong Sabado ng madaling araw sa Barangay 212, Tondo, Maynila.

Hindi raw naniniwala ang mga kaanak na naka-engkwentro ni Tibor ang mga pulis, gaya nang nakasaad sa police report.

"Butas 'yung ulo. Tapos may saksak, lahat ng tama ng baril tinamo," pahayag ng kaanak ni Tibor.

Makikita rin daw sa CCTV video ng barangay na hindi makapanlalaban si Tibor pati na ang kaniyang kaibigan dahil nakaposas sila nang isinakay sa police mobile.

Sa report ng pulisya, nakasaad na may tama na ng bala sina Tibor nang isakay sa police mobile para itakbo sa ospital.

Nakipagbarilan din umano sina Tibor sa mga pulis matapos silang masita dahil wala silang suot na helmet.

"Tumakbo po sila sa checkpoint eh, kasi po 'yung tito ko, wala siyang license," anang kaanak.

"Ang motor po niyang gamit, sanla lang po sa kaniya pero may papel po iyon. Napakita po sa pulis," saad pa ng kaanak.

Bilang tugon sa alegasyon, naninindigan ang MPD Station 7 na nanlaban kaya napatay si Tibor.

Pinaninindigan din ng pulisya na nagnakaw ng motorsiklo ang napatay na suspek.

Source: gmanetwork.com

Share in social networks:

Comments - 0