Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

K-drama o Kapamilya serye: Ano ang mas maganda para kay Ryan Bang

February 13, 2018 7:46 AM
14 0

MANILA -- Napatawa ng Korean comedian-host na si Ryan Bang ang mga manonood ng "It's Showtime" ng tanongin siya kung ano nga ba ang mas maganda -- ang serye ng Kapamilya network o K-drama ng Korea.

"ABS-CBN teleserye. Kasi ako po ay nagtatrabaho dito sa ABS-CBN," ani Ryan nitong Martes.

Nang hiratan naman ni Vhong Navarro na napapanood si Ryan sa Korea, ang sagot niya: "Pero ang suweldo ko galing sa ABS-CBN."

Maliban sa "It's Showtime" ay abala rin si Ryan bilang parte ng Kapamilya serye na "Sana Dalawa Ang Puso."

Nakatutuwang ibinahagi rin ni Ryan kung ano ang lamang niya sa mga Korean heartthrob.

"Kasi ang mga heartthrob sa Korea, maliliit ang ulo; ako malaki ulo ko kaya kitang-kita ako agad," ani Ryan.

"Walang kasya sa aking sombrero, pati helmet. Kaya di ako bumibili ng motor," ng komedyante.

Binibiro ngayon si Ryan ng mga kasamahan niya sa "It's Showtime" bilang bagong Korean heartthrob.

Also read: Finally! Beauty Gonzalez signs contract with ABS-CBN

Source: news.abs-cbn.com

Share in social networks:

Comments - 0