Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

Jona, magbabalik sa pag-aaral matapos manalo sa 'Voice Teens'

October 3, 2017 4:49 AM
5 0

MANILA -- Dalawang buwan matapos siyang hirangin bilang kauna-unahang "The Voice Teens" champion, ibinahagi ni Jona Soquite ang pagbabago sa kanyang buhay at sa pagbubukas ng maraming oportunidad.

"Sobrang saya po at marami talagang nagbago," ani Jona sa pagbisita nito sa "Umagang Kay Ganda" (UKG) nitong Martes.

Ayon kay Jona, sa ngayon ay inihahanda na ang mga kakailanganin niya sa muling pagbabalik niya sa pag-aaral.

"Sa ngayon po inaayos pa po ang pag-aaral ko, bale magho-home school po ako," ani Jona na ngayon ay abala sa mga malll show.

Para sa mga manonood ng "UKG," nagpakitang gilas muli si Jona sa pag-awit niya ng "I Believe I Can Fly."

Source: news.abs-cbn.com

Share in social networks:

Comments - 0