Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

'Fairy godmothers' ng anak ni Pokwang, may espesyal na mga regalo

April 17, 2018 4:36 AM
5 0

MANILA -- Ikinatuwa ng mga netizen ang pagbibigay ng regalo at pagbabasbas nina K Brosas, Pooh at Chokoleit para sa kanilang inaanak na si Malia, anak nina Pokwang at Lee O'Brian.

Sa Instagram nitong Lunes, ibinahagi ni Pokwang ang video kung saan kita ang pagbabasbas kay Malia ng kanyang mga ninong at ninang na tila hango sa pelikulang "Sleeping Beauty."

"As your fairy godmother I will give you my sense of humor," ani Chokoleit.

"As your fairy godmother, I will bestow upon you the gift of beauty and talent," ani K.

Sa caption, ibinahagi ni Pokwang ang kasiyahan sa pagkakaroon ni Malia ng pangalawang mga magulang na tulad nina K, Pooh at Chokoleit.

Sina K, Pooh at Chokoleit ay ilan lamang sa mga naging ninong at ninang ni Malia na bininyagan nito lamang Linggo.

Source: news.abs-cbn.com

Share in social networks:

Comments - 0