Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

EXCLUSIVE: Kevin Sagra, gaganap na lover ni Direk Joel Lamangan sa Cinemalaya entry na 'School Service'

July 11, 2018 9:18 AM
12 0

Aminado si Kapuso actor Kevin Sagra na sa mga unang shooting days ng Cinemalaya 2018 entry na 'School Service' ay starstruck siya kina Aiai Delas Alas at Direk Joel Lamangan. Pero imbes na ma-pressure, ginalingan ni Kevin ang kanyang acting para makasabay siya sa kanyang co-actors.

Energetic si Kevin Sagra habang nasa press conference ng One Up upang i-promote ang kanilang upcoming concert na All In One Up this August 24.

"'Yung School Service ay tungkol sa mga sindikato sa Pilipinas na kumi-kidnap ng mga bata at ginagawa silang palaboy at nanlilimos. Ako dito 'yung driver ng school service," kuwento ni Kevin.

Ayon sa kaniya, nagpursigi talaga siya upang masungkit ang role na ito. "Maraming process din akong pinagdaanan, may mga go-sees, script reading, lahat. Siguro nakita nila 'yung ibang guestings ko sa mga Kapuso shows na laging bad guy 'yung role ko. Doon nila nakita na fit ako sa role na ito."

Dagdag pa ni Kevin na sa kaniyang tatlong taon sa showbiz, ito na raw ang pinakamabigat niyang role.

Aniya, "Ito 'yung first ever movie ko kaya ito 'yung pinaka-challenging. Nakaka-pressure siya kasi 'yung mga ka-eksena ko sina Direk Joel [Lamangan] at Miss Aiai [Delas Alas].

"Pero naging successful naman siya. — First shooting day, nakaka-starstruck siyempre 'pag punta ko pa lang sa set, sila agad una kong nakita. Kinamusta nila ako kahit hindi pa sikat na artista. Sobrang nakakatuwa kasi lahat sila nag-guide sa 'kin."

Maliban sa pagiging school service driver, gaganap rin si Kevin na lover ng karakter ni Direk Joel Lamangan. Kumusta kaya ang naging-experience niya dito?

"Naging madali naman kasi lahat sila professional at hindi kabastos-bastos 'yung mga eksena."

Source: gmanetwork.com

Share in social networks:

Comments - 0