Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

Endangered hawksbill sea turtle nalambat sa Lamitan, Basilan

November 22, 2018 1:23 AM
22 0
Endangered hawksbill sea turtle nalambat sa Lamitan, Basilan

Aksidente umanong nalambat ng dalawang mangingisda ang isang hawksbill sea turtle sa Lamitan City sa Basilan noong Miyerkoles.

Nalambat umano ang pawikan sa karagatang sakop ng Barangay Bulanting sa lungsud ng Lamitan. Agad nila itong dinala sa Maritime Police at City Environment and Natural Resources Office (CENRO).

Sinuri ang pawikan at nilagyan ng tag sa flipper. Ang sea turtle tagging ay ginagawa upang malaman kung saang lugar sa mundo ito unang nakita.

Nang matiyak ng CENRO na ligtas at malusog ang pawikan ay ibinalik na ito sa dagat.

Source: gmanetwork.com

Share in social networks:

Comments - 0