Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

De Lima pinapagsumite ng itinerary para payagang pumunta sa graduation ng anak

May 18, 2018 4:34 AM
8 0

Binigyan ng limang araw ng Muntinlupa RTC Branch 205 ang kampo ni Sen. Leila De Lima para makapagsumite ng final program at itinerary ng graduation rites ng kanyang bunsong anak.

Kaugnay ito ng urgent furlough na inihain ni De Lima upang payagan siyang makapunta sa graduation ng anak na si Vincent Joshua De Lima Bohol sa law school ng San Beda College Alabang sa June 3.

May 5 araw ang prosekusyon para magkomento at saka pa lamang maglalabas ng resolusyon kung pagbibigyan o ibabasura ang furlough.

Samantala, hinamon ng kampo ni De Lima ang prosekusyon na patunayan na shabu ang uri ng drogang binebenta umano ni De Lima.

Ipinagpaliban ng Muntinlupa RTC Branch 206 ang arraignment ng kaso ni De Lima at nakatakda itong ipagpatuloy sa June 22 -- dahil sa nakabinbing motion to quash ng kampo.

Sa August 10 naman na-reset ang arraignment ng kaso ni De Lima sa Muntinlupa RTC Branch 205 na may kaugnayan pa rin sa pagkakasangkot umano nito sa illegal drug trade.

Source: news.abs-cbn.com

Share in social networks:

Comments - 0