Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

Dating pulis tiklo sa buy-bust sa Payatas

May 18, 2018 2:14 AM
14 0

MANILA - Arestado ang 6 na lalaki kabilang ang 1 dating pulis sa buy-bust operation sa Payatas, Quezon City Biyernes.

Ayon sa impormasyon ng mga awtoridad, ang dating pulis na si Alfredo Espinosa ang nagsisilbi umanong protektor ng ilegal na droga sa lugar.

Itinanggi ni Espinosa ang alegasyon na protektor siya ng mga supplier ng droga sa lugar, ngunit inaming dati siyang gumagamit ng shabu.

Nag-absence without leave o bigla na lamang hindi pumasok sa serbisyo si Espinosa na may nakabinbin na kasong homicide, kaya't ito'y natanggal sa serbisyo.

Haharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act ang mga suspek.

Source: news.abs-cbn.com

Share in social networks:

Comments - 0