Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

Carmi Martin, tanggap na kung hindi makapag-asawa

October 10, 2017 4:10 AM
7 0

MANILA -- Tanggap na ng aktres na si Carmi Martin kung sakaling hindi na siya makapag-asawa.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, sinabi ni Carmi na masaya na siya sa kanyang buhay bilang single.

"Sa tingin niyo ba mag-aasawa pa ako?" ani Carmi. "For me, I already accepted that a certain portion of the population are blessed to get married. Siguro ako ang calling ko is to serve the Lord. I dedicated myself to the Lord. Siguro ako ang magiging ambassador of being single and happy."

"I am happy serving God and I am happy that I am single. I'm so blessed, and so blessed with four dogs and my mom is staying with me and my sister. So my life is complete," dagdag niya.

Bumisita si Carmi sa "Magandang Buhay" para imbitahan ang mga manonood na panoorin ang pelikulang "Bes and the Beshies" na ipapalabas sa mga sinehan simula Oktubre 18.

Source: news.abs-cbn.com

Share in social networks:

Comments - 0