Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

Ano’ng haharapin ng ASEAN pagkatapos ng 2017 Summit?

November 14, 2017 4:51 AM
9 0

Bilang gabay at sukatan ng pagharap sa mga isyu, mahalagang balikan ang simulain, layunin, at ang mga isyung kinakaharap ASEAN at mga kaugnay na bansa

ASEAN 2017. Ang Pilipinas ang nag-organisa ng ika-31 na ASEAN Summit na dadaluhan ng 10 lider sa ASEAN at iilang mga partner.

Mahalagang balikan ang simulain, layunin, at ang mga isyung kinakaharap ng mga miyembro at kaugnay na bansa ng ASEAN. Ang mga ito ang magiging gabay at sukatan kung paano haharapin ng mga bansa ang mga isyu ng rehiyon pagkatapos ng 31st ASEAN Summit and Related Summits sa Pilipinas. (BASAHIN: Why you should care about ASEAN integration)

Ayon sa charter nito, nagpupulong dalawang beses kada taon sa isang "summit" ang mga miyembro ng ASEAN upang pag-usapan at gawan ng mga patakaran at desisyon ang mga isyu ng rehiyon. (BASAHIN: LOOK BACK: How ASEAN was formed)

Ika-31 summit na ng ASEAN ang ginanap sa Manila nitong Nobyembre 12-14. Unang irinaos ang ASEAN Summit sa Bali, Indonesia, noong 1976. Nagsimula lamang ang dalawang beses na summit kada taon matapos ang 11th ASEAN Summit noong 2005, nang maipasa ang ASEAN charter. (BASAHIN: Who were ASEAN's 5 founding fathers?)

Idinaraos ang summit sa bansang tagapangulo ng ASEAN – ang Pilipinas ito ngayong 2017. Iilipat ang chairmanship sa Singapore 2018.

Tuwing ASEAN Summit din itinatalaga ang secretary-general ng ASEAN. Sa kasalukuyan, ang posisyon ay hawak ni Le Luong Minh ng Vietnam. Matatapos ang kanyang termino ngayong 2017.

Ang 31st ASEAN Summit and Related Summits sa Manila ay dinaluhan ng 11 lider, kabilang sina US President Donald Trump, Japanese Prime Minister Shinzo Abe, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, United Nations Secretary-General Antonio Guterres, at European Council President Donald Tusk.

Source: rappler.com

Share in social networks:

Comments - 0