Receive up-to-the-minute news updates on the hottest topics with NewsHub. Install now.

'Abortionist' sa Quiapo na nakapatay umano ng kliyenteng OFW, timbog

July 13, 2018 2:00 PM
4 0

Arestado ang isang abortionist matapos umano nitong makapatay ng isang kliyenteng overseas Filipino worker (OFW) na nakatransaksiyon niya sa Quiapo, Manila.

Inamin ng abortionist na si Luzviminda Tibay na tinulungan niya na ipalaglag ang ipinagbubuntis ng OFW na si alyan "Marie."

Kuwento niya sa mga awtoridad, umuwi pa sa Pilipinas galing Dubai ang biktima para ipalaglag ang sanggol sa sinapupunan nito dahil sa takot na mapa-deport.

Nasa kontrata daw kasi ng OFW na bawal siyang mabuntis sa kaniyang trabaho.

Siningil umano ni Tibay ng P10,000 ang biktima, na nakilala lamang niya sa social media.

Nagkita ang dalawa sa isang hotel at doon na ibinigyan at pinainom ni Tibay ang gamot na pampalaglag sa biktima.

Matapos umalis ni Tibay ay nagsimula nang magdugo ang biktima hangga't sa natagpuan na patay sa CR ng kuwarto.

Kuwento ni Tibay, kinuha lamang niya sa gilid ng Quiapo ang ibinigay na gamot sa OFW.

Ayon sa mga dokumento ng Manila Police District, septic shock at blood profusion ang ikinamatay ng biktima.

Kilala raw na abortionist si Tibay sa lugar kaya mabilis itong naituro sa mga awtoridad.

Kakasuhan ng intentional abortion at reckless imprudence resulting in homicide si Tibay.

Source: news.abs-cbn.com

Share in social networks:

Comments - 0